Wednesday, October 17, 2018


IBA’T-IBANG PAGKAIN NA IPINAGMAMALAKI NG PILIPINAS


Magandang Araw po sa inyong lahat!! Welcome po sa aking kauna-unahang blog. Dito po makikita niyo ang mga iba’t-ibang produktong pagkain na tatak pinoy. Ang bawat pagkain na nakalagay dito sa aking blog ay galing sa iba’t-ibang lugar dito sa Pilipinas.




                Unang-una po sa ating listahan ay ang lugar ng Pampanga isa sa pinagmamalaki nilang produkto ay ang halo-halob ng Razon. Sa lahat ng halo-halong aking natikman ito ang pinakamasarap dahil gawa ito sa saba, masapuno, gatas, leche flan at yelo. Tama lang ang tamis nito at hindi nakakaumay sa pakiramdam kahit pa paulit-ulit mo itong kainin.


               
             
                  Pangalawang destinasyon natin ay ang lungsod ng Cavite isa sa pinagmama
laki ng lugar na ito ay ang kanilang produktong gatas na galling sa kalabaw. Mas healthy ito kaysa sa ibang gatas dahil wala itong halo at pure ito dahil galling mismo ito sa kalabaw. Pwede mo itong gamitin para gumawa ng Queso, Pastillas at marami pang iba.




                Pangatlo ay ang lugar ng Davao alam nating sikat ang lugar na ito sa iba’t-ibang klase ng produkto at isa sa kanilang ipinagmamalaki ay ang kanilang Durian. Alam nating lahat na sobrang napakasarap ng lasa ng durian kahit na ang sama ng amoy nito. Marami ang kanilang bersyon ng mga produkto na gawa sa durian kagaya ng icecream at kung anu-anu pa.


 



                Pang-apat ay ang lugar ng Bicol at isa sa pinagmamalaki nilang produkto ay ang Bicol Express. Sikat ang ulam na ito hndi lang sa mga bicolano pati na rin sa lahat ng Pilipino. Sobrang anghang ng ulam na ito dahil binubudburan ito ng sili.









 
                At ang Panghuling lugar sa aking blog ay ang lugar ng Quezon. Sikat ito dahil sa pinagmamalaki nilang Pancit habhab. Ito ay miki na hinaluan ng karne at atay ng baboy. Sobrang sarap ng pansit na ito. Sa lahat ng pancit na natikman ko ito ang pinaka the best. Kaya ito tinawag na pancit habhab dahil hindi mo ito gagamitin ng kutsara at tinidor habang kumakain. Hinahabhab ito habang kumakain na inilagay sa dahon.



                Natakam ba kayo sa mga pagkaing aking pinakita o anu pang ang hinihintay nito tara na at wag magpahuli. Bisitahin niyo na ang mga lugar na ito at tikman ang iba’t-iba pa nilang mga ipinagmamalaking mga pagkain.